Dear Editor,
Paano nga kaya kung totoong ipatigil ni Pangulong Duterte ang US-PH military exercises? Ano kaya ang magiging epekto nito sa ating bansa lalo na sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas?
Sa aking palagay parehong nagbebenipisyo ang dalawang bansa sa balikatan lalo na ang Pinas, bukod sa military combat & tactics, kasama rin ang civic military aid gaya ng pagtatayo ng mga school building at medical mission.
Isa nga ang lugar namin sa Palawan ang nakatanggap ng serbisyo mula sa balikatan kaya malaki ang mawawala sa atin kung isasantabi ni Pangulong Duterte ang ganitong uri ng pagsasanay dahil higit pa sa usaping independent foreign policy na nais niya para sa Pilipinas ay mas mahalaga pa rin ang kapakanan ng mga Pilipino lalo na sa panahon ng kalamidad.
Sapagkat kasama sa exercise ang Humanitarian Assistance and Disaster Relief operation.
Sana mapag-isipan ito maigi ng Pangulo bagama’t nilinaw ng Malacañang na dadaan pa rin sa proseso ang unang naging anunsyo na itigil na ang US-PH balikatan military exercises.
JOHN PHILIP S. RAMOS
ANO NAMAN ANG MAWAWALA …ANG PANGUNGURAKOT NINYO..HAHAHA
natural apektado ang relasyon ng pilipinas sa america,dahil sa katangahan ni duterte