Pursigido si Pangulong Rodrigo Duterte na patawan ng mas malaking multa ang mga burarang negosyante na magpapasok ng bird flu sa bansa.
Puwedeng idaan umano ang pagpapataw ng pinabigat na parusa sa pamamagitan ng pag-iisyu ng executive order.
“Yeah, maybe not really long imprisonments, but a bigger monetary punishment. Fine. Pero huwag naman ‘yang… as long as there is really no malice in it. Hindi naman… if they are not aware that existing ‘yung avian flu sa dinadala nila papasok, that could be too much,” paghahayag ni Duterte sa panayam ng media sa Pampanga kahapon.
Pabor ang pangulo na singilin ng malaking multa ang mga pabayang negosyante na magpapasok ng bird flu pero, hindi umano makatwiran na bulukin sa bilangguan ang mga ito.
“That could be a cruel and unusual punishment. That’s against the Constitution,” sabi ng pangulo.