Malaking opisina sa LTO isusulong ni Sotto

Irerekomenda ni Senate President Tito Sotto na maglaan ng malaking lugar para sa Land Transportation Office (LTO) para sa kanilang mga opisina at ilan pang operational na aktibidades.

Ito ang sinabi ni Senator Sotto na namataan kahapon sa LTO sa Quezon City matapos magsagawa ng pagbisita at mag-renew ng kanyang driverse license.
“Kita naman maliit na ito sa LTO dapat siguro sa mas malaking lugar na sila (LTO) ilagay,” sabi ni Sotto sa pakikipanayam.

Si Senate President ay personal na eskortan ni Assistant Secretary and LTO Chief Edgar Galvante at Executive Director Romeo Vera Cruz at nilibot sa planta ng ahensya kung saan ginagawa ang mga plate number at pinakita rin sa kanya ang robotic machine habang ginagawa ang mga plaka ng kotse.

Sabi ni Sotto sa maikling panayam na impressed siya sa systema at mo­dernong teknolohiya ng ahensiya sa paggagawa ng plaka ng kotse at driver’s license.

Personal din niyang pinapurihan ang pamumuno ni Galvante sa larangan ng magandang serbisyo at modernong gamit para sa mabilis at mabuting serbisyong publiko. (Riz Dominguez)