Lalo pang lumakas ang hanging amihan kaya simula sa Huwebes o Biyernes ay ramdam na rin ng mga residente ng Metro Manila ang malamig na panahon.

Ayon sa Philippine Atmosphe­ric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang hanging amihan at easterlies ang weather system na umiiral ngayon sa bansa kaya asahan ang malamig na panahon lalo sa umaga at gabi. Wala ding namo-mo­nitor na anumang sama ng panahon sa paligid ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa buwan umano ng Enero ang inaasahang peak ng malamig na ­panahon.

Ang klima umano sa Luzon ay bahagyang maulap habang maaliwalas naman ang panahon sa Visayas at Mindanao na may localized thunderstorms.