‘Malansa’ ang nali-link kay KSP

‘Malansa’ ang description ng source namin, habang ang isang nakakakilala rito ay sinabing baklita umano ang isang non-showbiz guy (NSG) na nauugnay ngayon sa isang kontrobersiyal na showbiz personality (KSP).

Lihim na pinagtatawanan ng mga nakakakilala kay NSG si KSP dahil ang alam nila ay berde ang dugo ni NSG, tapos ay inili-link ito ngayon kay KSP.

In fairness ay mukhang marunong din lumaro si NSG, na ob­viously ay ine-enjoy ang lahat ng atensiyon na dulot ng pagkakadikit niya sa pangalan ni KSP.

Mereseng deep inside ay wala talaga siyang interes kay KSP at kabaro niya ang bet niya, tila feel na feel ni NSG na pinag-uusapan siya ngayon at napipiktyuran kasama si KSP.

Kung hindi nga naman kasi siya nadikit kay KSP ay hindi siya pag-uusapan at hindi siya makikilala, so ine-enjoy niya ngayon ang kanyang 15 minutes of fame.

Eversince ay sabik sa limelight at hayok sa atensiyon si KSP, na kayang gawin ang lahat para lang mapag-usapan.

Alam ni KSP na pagdating sa media mileage ay mas nakikinabang si NSG sa pagkakadikit nito sa kanya, pero alam din niyang nakaka-enhance si NSG sa kanyang image kaya keri lang na makipag-eklayan siya rito.

Pero mukhang this time ay nakahanap si KSP ng someone who knows how to play her game too.

You use me, I’ll use you. Gamitan pa more! PAK!

Baeby Baste nagkakomplikasyon sa dengue

Kailangan pa rin ni Baeby Baste ng maraming prayers dahil under observation pa rin si bagets, na nasa ospital pa rin dahil sa dengue.

Nu’ng July 10 pa na-confine ang 5-anyos na si Baste kaya hindi ito napapanood sa ‘Eat Bulaga’.

Ang theory ni Mommy Sheila Arumpac, baka galing ‘yung dengue mosquito sa may drainage ng condo nila at nakapasok ito sa unit nila sa 3rd floor, tapos ay kinagat nito ang magkapatid na Baste at Sam.

Nagbubukas pala kasi sila ng bintana kapag daytime, so baka raw may napadpad na dengue carrier.

Kumpara kay Baste ay mas malakas ang younger brother niyang si Sam-Sam dahil magana itong kumain at hindi nawalan ng appetite.

At saka nilalabanan daw kasi ni Sam ang sakit nito para huwag itong ma-injection-an. So, kain ito nang kain.

Si Bash ay parang baby pala kapag nagkakasakit, na sobrang weak at iyak nang iyak. Para raw itong sanggol na alagain at ayaw kumain kaya lalong bumaba ang immune system.

Medyo na-tense kami sa sinabi sa amin ni Mommy She na may complications ang dengue ni Bash at merong parte na namamaga.

We’re really hoping and praying na huwag na itong lumala at gumaling na agad si bagets.

Buti na lang ay wala itong bleeding dahil ‘yun din ang laging mino-moni­tor ng mga doktor. Kahapon ay in-ultrasound na naman si bagets at ngayon ay si Sam naman ang for ultrasound.

Taas-baba pa rin kasi ang lagnat ng magkapatid kaya tutok sa pagbabantay sa kanila sina Mommy She at Papa Sol. Palitan ng shift ang mag-asawa, sa gabi si madir at sa morning si fadir.

Natuwa ang mga bagets nang dumalaw sa kanila sa ospital sina Ruby Rodriguez at Maine Mendoza.

Ang kanilang Kuya Alden Richards ay lagi ring nangangamusta via video call kahit nasa Japan ito at nagti-taping ng ‘Victor Magtanggol’.

Nagpapasalamat ang pamilya ni Baeby Baste sa lahat ng mga nagdadasal para sa mabilis na paggaling ng magkapatid.