MALASAKIT SA KAPWA

Bianca Umali

NAMAHAGI ang GMA Artist Center stars na sina Bianca Umali, Paolo Contis, at Sef Cadayona ng regalo sa charities para ipagdiwang ang kanilang kaarawan.

Bilang bagong World Vision Youth Ambassador, lumipad pa-Cebu si Bianca Umali para makasalamuha ang beneficiaries ng organisasyon at mamigay ng regalo sa mga ito.

Nakisaya at nakipaglaro si Bianca sa mga bata.

“It’s nice to see them have fun and learn at the same time. I want to encourage the children to read and gusto kong maranasan nila ‘yong childhood na creative through reading,” say ni Bianca.

Ipinagpapasalamat ni Paolo Contis ang pagkakataong makasalamuha ang mga inabandona at naulilang bata ng Boys Town sa Marikina City.

Lahad ni Paolo, “I’ve been meaning to see my own kids, but they are currently in Cebu so I really have to plan when to visit. In the meantime, I’m glad to have met these children, kasi parang nakalaro ko na rin ang mga anak ko.”

Sinalubong ng kilig at tilian ang Meant To Be actor na si Sef Cadayona ng mga estudyante ng Wawa National High School kamakailan sa Rodriguez, Rizal.

Nag-donate si Sef ng electric fan sa paaralan.

Aniya, “Naisip ko lang na these students can focus easier if they are comfortable in class. Para rin may maibigay naman ako o may mai-contribute naman ako sa pag-aaral nila.

“Our weather condition can be a serious concern for the students, so I hope makatulong talaga ito.”