Malditang young actress, angas-angasan ang IRAP

YOUNG actress/host/singer/dancer, ­wagas ang simangot sa ­magaling na actress!

Winner si young actress sa singing contest ng mga bagets. ­Nawala siya noong dalagin­ding na.

Nagbalik siya noong nagdalaga na.

Kapansin-pansin ang pagbabago ng kanyang itsura, lalo na ang kaartehan niya.

Grabe na ang kanyang pananamit. Nakipagmiting si ate sa mga boss na naka-leather jacket. Ang boots, hanggang tuhod.

Buong akala niya, nagandahan ang mga utaw sa kanya. Hindi niya knows na pinagtatawanan siya sa kanyang OOTD (outfit of the day).

Nagkateleserye agad si ate. Kontrabida ang role niya, na ginalingan niya nang 101%.

Nagka-album siya at ang single ­niya ay fast song na mala-JLo.

Favorite singer niya si JLo kaya ­gayang-gaya niya ang moves nito.

Ngarag siya sa skedule.

Imagine, 3X a week ang taping niya sa teleserye, may promo pa ng album niya sa mga mall nationwide.

Pero ma­galing siya, kaya pinaghahandaan niya ang mga araw na busy-busy-han siya.

Sa taping, memorized niya ang mga linya niya kaya hindi siya makabog ng mga kaeksena niya.

Lalo na ‘yung eksena na kasama ang magaling na actress, rehear­sal pa lang, bigay na bigay na ang malditang young actress/singer.

Nagugulat tuloy ang mga artista at utaw sa paligid.

Si totoong actress, natatawa na lang.

ACTION!!!!

Si maldita, kinarir ang pagtataray. Parang kakainin na si magaling na actress.

Buong akala ni maldita, matatalbugan niya ang mahusay na actress, pero hindi iyon nangyari.

Nag-CUT na si direk pero si maldita, gigil na gigil pa dahil hindi niya makabog si tunay na actress.

Pinagsabihan ng totoong actress si maldita na baguhin ang ugali. Tama bang nag-make face ito na may kasamang irap at nagsi-seesaw ang mga kilay?

Kaya muntik nang sapakin ng actress si maldita.

Nagpigil lang ang aktres at tinalikuran ang walang modong young actress/singer na irap pa rin nang irap

***

Sino ang nagsabi nito?

“Sana, suporta na lang at wala nang siraan!”

CLUE: writer siya ng isa sa ­entries sa MMFF 2016.