Male & female singer, MAHINA ang hatak

SIKAT na male & female singer, nagsanib-puwersa sa isang mini concert pero hindi nila napuno ang venue.

Si male singer/actor ay magaling. Galing siya sa pamilya ng mahuhusay umawit.

Pogilicious si kuya, umi-English, marunong umarte at kapansin-pansin ang Felix Bakat sa pagitan ng kanyang dala­wang hita.

Si female singer/actress ay bongga sa kantahan at nakailang gold & platinum record award na,

Nakailang concert na si ate, sa maliit man o malaki na venue.

Kung tatanungin n’yo ako kung napupuno niya ba ‘yung venue, mataginting na YES sa maliliit na venue.

‘Yung sa very big na venue… next time ko na lang sasagutin.
Nagkateleserye na rin si ate.

Napansin ba siya roon? Siguro, baka, malay ko, ewan ko… bahala kayo sa buhay ninyo!

Anyway highway, isang grupo ng mga bading ang nagprodyus ng kanilang concert sa isang maliit na venue.

Miting-miting muna sila.
Kapansin-pansin na maraming demands ang kampo ni girl.

Naiirita ang mga beki sa demands pero wala silang choice kundi sumunod.
‘Yung kampo ni boy, mas OK. Hindi mahirap kausap ang mana­ger niya.

Tumulong ang dalawa sa promo ng kanilang show kaya happy ang mga beking produ.
Kaso, three weeks before the show, hindi pa gumagalaw ang benta­han ng tickets.

Scared ang mga vaklang produ.

Two weeks na lang, wah pa rin Ben Tumbling ang mga tickets. Kulang na lang, ilagay nila ang tickets sa bilao at ilako sa bahay-bahay.

One week na lang, kinukutuban ang mga bekibels na produ kung may bibili ba o ipamimigay na lang nila ang tickets sa orphanage.

Kakanselahin ba nila ang concert at gigimik chururut na may bantang pasabugin ang venue o kidnapin ang mga magko-concert?

2½ days, may magandang balita sa mga baklush na produ! May bumibili na ng tickets!
Sinagot ang mga dasal ng mga badiklang produ!

Lahat na, ginawa na nila ‘tsurang naglakad sila nang paluhod para kumita ang show nila.
Naglagay sila ng isang basong tubig sa ilalim ng mesa para hindi umulan.

Pina-feng shui nila ang venue para matanggal ang malas at dumugin ang una nilang prinodyus na show.

At dumating na ang gabing pinakahihintay…
The moment of truth!

Ang concert nina male & female singer, may pila!
Apiran nang apiran ang mga badidang na produ!

Feel na feel nila na AHONA ALEGRE sila.

11:30 PM… nasa ¼ pa lang ang tao sa venue. Pwede kang mag-volleyball sa loob.

Magwa-1:00 AM na, paisa-isa na lang ang nadadagdag. ‘Yung iba, c/o pa sa dala­wang singer.

Kailangan nang mag-start ang concert, pero ‘yun pa lang din ang mga tao. Waaah na umenter.

Parang nasunugan ang mga producer sa ‘kakaiyak.
Certified flopsina ang concert.

Natapos ang show. Nakapag-full payment sila sa venue. Bayad na rin ang dalawang singer.
Binilang nila nang ilang ulit ang tickets. 400+ ang natira.

Ang total na bumili plus complimentary t­i­c­kets ay 157.