Male personality bitbit ang pampatigas sa ‘sandata’

Male personality bitbit ang pampatigas sa ‘sandata’

MATINDI ang pagiging banidoso ng isang kilalang male personality tungkol sa kanyang sandata. Mapababayaan niya ang ibang pangangailangan ng kanyang katawan pero hindi ang pag-aalaga sa kanyang ipinagmamalaking sandata.

Palibhasa’y napapabalitang blessed ang male personality, talagang pinaninindigan niya ang aspetong ‘yun ng kanyang buhay, ang hindi pagpapabaya sa kanyang pagkalalaki.

Kuwento ng isang source na kaibigan ng kilalang male personality, “Tatakbo ang sasakyan niya na tatlo lang ang gulong, pero hindi niya puwedeng kalimutan ang men’s genital spray niya.

“Palagi niyang dala-dala ‘yun kahit saan, kasama ‘yun sa kit niya, very vain siya talaga sa armas niya! Pang-spray kasi ‘yun na hindi lang pampabango ng kuwan niya, pampatigas din ‘yun!

“Mahirap na nga naman, baka bigla siyang may makilalang hotsy patootsie d’yan at ma-challenge siya sa pagbiyahe sa langit! At least, handang-handa siya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Napakalapitin pa naman ng tukso ng male personality, malakas ang dating niya sa mga kababaihan, kaya palagi siyang nalalagay sa alanganin sa pagiging generous niya sa pagbibigay ng kanyang katawan.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Dyutay si hunk actor – sexy star

NAALALA ng isang kaibigan namin ang namagitang argumento nu’n sa pagitan ng isang guwapong hunk actor at ng isang sumikat na sexy star.

Ang kanilang pinagtalunan, ang sandata ng male personality na ipinagkalat ng taklesang sexy star na maliit lang daw, halos hindi niya naramdaman nu’ng minsang magkayayaan silang magpakaligaya.

Nakarating ang kuwento sa male personality, nagtaka ito kung bakit ang babae pa ang nagkuwento tungkol sa nangyari sa kanila, dapat daw ay isinesekreto lang ang ganu’ng bagay.

E, sutil ang kakuwentuhan ng aktor, ang sabi sa kanya, “Naku, pinagtatawanan niya ang churva mo! Dyutay ka raw, wala raw siyang naramdaman!”

Napikon ang hunk actor, ang sabi nito, “Naku, pakisabi na lang sa kanya na kahit dinosaur ang pumasok sa kuweba niyang pagkalaki-laki, e, maliit pa rin!”

Bwahahaha!

Mga Noranian nagtatampo sa GMA-7

MARAMING tagasuporta ng Superstar ang nagtatampo sa GMA-7. Bakit daw walang proyekto sa network si Nora Aunor, samantalang si Jo Berry na kasama lang nu’n sa seryeng “Onanay”, meron?

Sana raw ay si Nora Aunor na ang kinuha para sa papel na manghuhula ngayon sa “The Gift” na pinagbibidahan ni Alden Richards, siya na lang daw sana ang gumaganap na lola ng Pambansang Bae sa serye, hindi si Elizabeth Oropesa.

Maganda ang role na ginagampanan ni Jo Berry sa serye, halos sa kanilang dalawa ni Alden ang ikot ng kuwento, dahil ito ang pangalawang ina ng bida sa istorya.

Lalo na ngayong binata na si Joseph sa kuwento, mas interesante na ang daloy ng serye, sa huling sultada ay nagkita na sila ng kanyang tunay na inang si Jean Garcia na ilang dekada nang naghahanap sa kanya.

Baka naman may nakahandang ibang proyekto ang GMA-7 para sa Superstar, walang dapat ipagtampo ang kanyang mga tagahanga dahil pana-panahon lang naman ‘yan, kapag may babagay na role para kay Nora ay siguradong kukunin siya ng istasyon.

Ang isang magaling at markadong aktres na tulad ni Nora Aunor ay hindi mababakante. Sobra pa sa kailangan ang kanyang napatunayan na.