tonite-no-thanks-cristy-fermin

PARA makaiwas sa iskandalong hatid ng social media ay may magandang naisip ang isang guwapong male personality. Itutuloy pa rin niya ang kanyang nakakahiligang bisyo pero ligtas na siya sa mga mapanu­ring mata.

Kinausap ng guwapong male personality ang mga kaibigan niya nu’ng hindi pa siya artista, walang dapat alalahanin ang kanyang tropa kung hindi man sila madalas na nagkikita-kita, magagawa nila ‘yun nang walang kahirap-hirap.

Kuwento ng aming source, “Social media kasi ang pinakamatinding kaaway ngayon ng mga artista. Lahat ng ginagawa nila, naka-headline agad sa buong mundo dahil du’n.

“Wala na silang privacy ngayon. Wala nang ligtas sa kanila, kaya maganda ang naisipan ni ____(pa­ngalang ng sikat at guwapong male personality).

“Toka-toka silang magkakaibigan kung kaninong bahay nila gagawin ang pagnomo-nomo. Palainom talaga siya, in fairness, e, ‘yun lang naman ang bisyo niya, malinis siya sa droga.

“Matagal na nilang ginagawa ‘yun, sa bahay na lang sila umiinom, kung may maglabas man ng mga pictures habang lasing na lasing sila, e, walang ibang puwedeng pagbintangan kundi sila-sila rin!

“Nagagawa ni bagets ang hilig niya nang wala nang nagpo-post ng mga pictures niya habang wasted nang nakadukdok sa table dahil sa sobrang kalasingan.

“Hindi na siya pagpipistahan, wala nang mambato sa kanya nang masasakit na salita dahil sa pagiging laseng­go niya,” kuwento ng aming impormante.

Alam ng girlfriend ng young male personality ang kanyang gimik, may mga pagkakataong kasama pa nga ng tropa ang young actress sa pag-inom, sa totoo lang.

“Naku, alam niya ang lahat ng mga ginagawa ng boyfriend niya. Nakakatawa nga ang kuwento na mas gusto ng girl na lasing ang boyfriend niya dahil sobrang lambing!

“Kapag matino kuno ang guy, e, okey lang, pero kapag nakainom na, e, mas mala­kas na ang loob, malikot na siya sa aparato! Mamili na lang kayo ng kulay na katunog ng apelyido ng young male persona­lity, nasa color wheel ‘yun,” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Sex video ni Janno ibinaon ang naghihingalong career

SI Bing Loyzaga agad at ang kanilang mga anak ni Janno Gibbs ang naisip namin nang lumabas ang sex video ng singer-actor. Ano na lang ang sasabihin ng kanyang mag-iina sa kalahayang ito?

Sa impormasyon ng malalapit sa mag-asawa ay hindi na sila magkasama sa isang bubong, pero ilang hakbang lang ang layo ng kanilang tinitirhan, malaya pa ring nakadadalaw si Janno sa kanyang mag-iina.

Kalat na kalat na ang sex video ni Janno Gibbs, meron siyang ka-chat at patayo niyang ginagawa ang pag­lalaro sa kanyang sarili, siguradong nakaabot na rin sa kaalaman ni Bing at ng kanilang mga anak ang kuwento.

Depressed daw kasi si Janno dahil wala na siyang proyekto. Napakagasgas nang dahilan dahil malawak ang oportunidad na nag-aabang sa kanya pero siya naman ang nagtatamad-tamaran.

Palagi siyang late sa kanyang mga kompromiso, palagi niyang sinisisi ang kanyang pagiging insomniac, kaya hirap na hirap siyang gumi­sing.

Ilang taon ba niyang gagamitin ang ganu’ng dahilan? At sa paglabas ng kanyang sex video ay mas ibinaon pa niya ang naghihingalo na niyang career para tuluyan nang mamatay.

Hindi depression ‘yun. Pagiging iresponsable ang ginawa ni Janno Gibbs. Siya mismo ang sumisira sa kanyang kinabukasan bilang singer-actor.