Birong-totoo ang mga kantiyaw na tinatanggap ngayon ng isang male personality mula sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho.

Ang biro sa kanya, “O, saan ka naman kakandidato sa susunod na eleksiyon?” Ang tumatawa namang sagot ng male personality, “Hindi ko pa alam! Pipili na lang ako ng mas magandang offer!”

Ilang beses nang kumandidato ang male p­ersonality. Nagsimula siya sa kanilang bayan, pero lost in space siya, olats!

Nitong nakaraang halalan ay dumayo pa siya sa isang napakalayong probinsiya, pero ganu’n din ang naging kapalaran niya, “Lotlot” siya.

Ang tawag sa kanya ng marami ngayon ay politician for sale. Walang naniniwala na hindi siya kumikita sa pagkandidato niya sa iba-ibang lugar.

Kuwento ng isang source, “Hindi naman siya for sale, for rent lang! Dahil pagkatapos ng election, e, tapos na rin ang lahat, umuuwi na uli siya sa bayan nila!”

Marunong sa buhay ang lalaking personalidad na ito, kung wala nga naman siyang trabaho sa pelikula at telebisyon, hindi niya sasayangin ang kanyang panahon.

Kuwento uli ng a­ming source, “Naku, hindi magugutom ang taong ‘yun! Marami siyang alam na trabaho. Magaling siyang umarte, natural na natural, pero puwede rin siya sa ibang trabaho.

“Nagtayo nga siya ng restaurant nu’n sa bayan nila, di ba? Okey lang nu’ng una ang pinasok niyang negosyo, malakas, marami silang customers! Kaso, bumagyo ng super-lakas, e, nawasak ang restaurant niya!

“Wala siyang nailigtas, inanod pati ang mga kubyertos, talagang nalugi siya nang husto! Olats na siya sa business, hanggang sa pulitika, olats pa rin siya palagi!

“To make the long story short, wala siyang suwerte!” humaha-lakhak pang kuwento ng aming source.
Ha! Ha! Ha! Ha!
***

Kris milyon na ang gastos sa sakit

Hindi na dapat problemahin ni Kris Aquino ang mga taong hindi naniniwala tungkol sa estado ng kanyang k­alusugan ngayon. Huwag na niyang isipin pa yun, ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin ay kung paano siya gaga-ling, dahil iisa lang naman ang kanyang buhay.

Kay Kris swak na swak ang kasabihan na kung nabibili ang buhay, di sana’y wala nang mga milyonaryong namamatay?

Kahit sa pinakapabolosong shopping mall ay walang ibi-nebentang buhay. Kung ano ang ibinigay sa atin ng Panginoon nu’ng ipinanganak tayo ay iisa lang ‘yun, wala nang kapalit, kapag napugtuan tayo ng hininga ay tuluyan na ang ating pamamaalam sa mundo.

Bakit naman g­agawing isyu lang ni Kris ang sitwasyon ng kanyang pagkakasakit? Bakit siya gagastos nang milyunan, bakit niya gagawing biro-biro lang ang ganu’n kasensitibong kundisyon, para lang siya mapag-usapan?

Hindi na biro ang pinagdadaanan ngayon ni Kris, kailangan niyang magpagaling para sa kanyang mga anak, dapat bumalik ang dati niyang sigla nu’ng hindi pa natutuklasan ng mga doktor ang kanyang problemang pisikal.

Hindi lang magandang pakinggan, pero sa dami ng sakit na meron ngayon si Kris ayon sa kanyang mga ulat, kung wala lang siyang perang gagastusin ay baka matagal na natin siyang tinawag na “the late Kris Aquino.”

Hindi nakabibili ng buhay ang salapi pero nakapagdudugtong. Nagagawa ang mga prosesong dapat sa kanyang sakit dahil meron siyang pera. Malaya niyang nabibili ang mga gamot na kailangan dahil masalapi siya.

Sa halip na pagdudahan, mas magandang kambalan na lang natin ng dasal si Kris, na sana’y matugunan na ng mga doktor nang eksakto ang makapagpapagaling sa kanya.

Gumagawa ng milagro ang sama-samang panalangin, mas epektibo pa ‘yun kesa sa kahenyuhan ng mga dalubhasang gumagamot sa kanya ngayon, dahil ang kanilang talento ay mula rin sa Panginoon.