Male personality walang pambili kahit yosi

male-personality-actor

tonite-no-thanks-cristy-ferminTawa nang tawa ang aming mga impormante sa galing tumiyempo ng isang male personality na ina­alat ang career dahil sa kanyang pagpapabaya. Mahusay siyang tumimpla ng oras.

Alam niya kung anong oras siya pupunta sa bahay ng kanyang mga kaibigan. Alam na alam niya kung saan siya makapagpapalipas ng panahon na busog na siya ay may datung pa.

Kuwento ng aming source, “Naku, may relo sa utak ang male personality na ‘yun! Wala kasi siyang work, na siya rin naman ang may kasalanan, tamad na siya, e, nagbisyo pa!

“Yosi nga lang, e, wala siyang pambili, humihingi pa siya sa ibang tao, tapos, hinaluan pa niya ‘yun ng pagbibisyo”? Pati alaga nga niyang aso, e, naibenta na niya dahil sa kalokohang bisyong inatupag niya!

“Natural, problema niya ang kakainin sa araw-araw, di ba? Alangan namang mag-hunger strike siya nang walang dahilan? So, magaling siyang tumayming! Alam niya kung sino ang dadalawin niya para magkaroon siya ng libreng lafang!

“Eat and go lang naman siya, kaya pinababayaan na lang siya ng mga friends niya. Pagkakain niya, konting pamadyak, umaalis na rin siya,” kuwento ng aming source.

Sayang na sayang ang career ng male personality na ito na mula sa malaking pamilya ng mga artista. Dati siyang mi­yembro ng isang grupong tinitilian ng mga kababaihan at sangkabaklaan.

“Gumanda na nga ang buhay niya nu’ng may makarelasyon siyang richie-richie girl, di ba? Maganda ang plano ng girl, magnenegosyo sila, pero pinairal niya pa rin ang bigat ng katawan niya!

“Ano ang nangyari? Nagsawa ang girl sa kawalan niya ng mga pangarap, okey na sa kanya ang ganyan na patambay-tambay lang siya! Sinayang niya ang opportunity na ‘yun.

“Balik siya ngayon sa parang ibon siyang nanginginain kung saan-saan. May-I-call a friend siya, aalamin kung puwede siyang pumasyal, libreng lafang na ‘yun na may konting pakimkim pa!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Hindi lang si Vice ang umiwas kay Kris

Madalas naming matiyempuhan si Vice Ganda na gina­gaya-gaya ang pagsasalita ni Kris Aquino. Kuhang-kuha nito ang tiyempo at tono ng pagbibitiw ng mga salita ng aktres-TV host.

Komedyante si Vice Ganda, kaya natural lang na bentang-benta sa publiko ang ginagawa nitong panggagaya kay Kris, pero sa kabila nu’n ay maraming nasasaktan para sa kanilang idolo.

Mula nang mawala si Kris sa ABS-CBN ay lumabnaw na ang kanilang pagkakaibigan. Kung dati’y “asawa ko” ang tawagan nila, ngayon ay inanod na ng ilog-Pasig ‘yun, ni hindi na nga yata sila nagkukumustahan.

Nagkaroon ng pader sa kanilang pagitan, puwedeng pinagbawalan ng mga ehekutibo ng Dos si Vice na dumistansiya kay Kris, puwede rin namang walang ganu’n at personal nang desisyon ng sikat na komedyante ang pagputol sa kanilang komunikasyon ni Kris.
Nagrerebelde ang mga tagasuporta ni Kris kapag ginagaya-gaya siya ni Vice sa It’s Showtime. Hindi welcome sa kanila ang pag-spoof ng komedyante sa kanilang idolo dahil hindi na sila “mag-asawa” ngayon.

Minsan ay tinanong na rin kami ng mga kaibigan namin sa kolehiyo kung sino ang dumistansiya kanino? Bukod kay Vice Ganda ay may isa pang kaututang-dila dati si Kris na mukhang ngayon ay lumabnaw na rin.

Mahirap sagutin ang tanong, pero puwede pa rin tayong mag-opinyon, siguro nga ay tama si Kris sa kanyang posisyon na kapag nawala ka na sa network na mahigit na dalawang dekada niyang pinagserbisyuhan ay parang outcast ka na. Hindi ka na in.

Baka nag-aalala ang kanyang mga dating kaibigan na kapag nakipaglapit pa rin sa kanya ang mga ito ay may magbabawal. Pero ang isang tunay na kaibigan ay walang pinipiling panahon.

Saanman kayo makarating, paghiwalayin man kayo ng kapalaran at mga alanganing sitwasyon, ang pagpapahalaga sa isang magandang samahan ay kailangang nand’yan pa rin.