Male singer, nakakabaliw ang concert sa comedy bar

singer-actor-blind-item

NOON, buung-buo boses ng male singer. Katono niya pa si… TOOOOOT!
Maraming na­baliw sa kanyang mga babae. Pero wa niya feel ang bading.

Nakapag-perform siya sa ibang bansa, lalo na sa pugad ng mga hosto, japayuki at geisha.
Nagka-hit songs siya. Dalawa siguro.

Naging regular ­siya sa isang TV show kung saan sing lang ­siya nang sing. Wa na talk. Kasi, wiz niya feel.

Nawala siya sa eksena dahil naging laseng­gero. Nag-umadik pa. Naka­limutan ­siya ng mga utaw. Lalo na ng mga ­bilat niyang fans.

Iba na kasi itsura niya. At wrangler na.
Non-stop pa rin ­siya sa kaka-sing… sing nang sing… na ang ending, singhot!

Singhot dito, singhot doon! Singhot pa more!
Pero once a singer, ­always a singer!

Feel niyang magka-album at magka-concert. Hanggang may sumugal na ipag-produce siya ng concert sa isang ­comedy bar na parang pan-67 katao lang.

Maghahating-gabi na, kalahati pa lang ng bar ang okupado ng mga utaw.
1:18 AM, kaila­ngan nang mag-start. Anong petsa na, kuya? Go! Go! Go!

43 lang ang nasa loob ng bar kasama ang waiters, 3 gay performers, 1 guard, 2 cook at friends ng owner.

In short, 31 lang ang nagbayad ng ­tiket para manood.
Tumirada si kuya ng medley.

WOW! Umalulong sa bar ang boses niyang parang kinakatay na baka sa slaughterhouse!
Third song pa lang si cow, may mga lumabas na.

Lasing na kasi ‘yung baka.
How sad…

Sa ngayon, ­wala nang masyadong kumukuha kay male singer.

Hindi na nga siya sikat, ang dami pa niyang demands.