WALEY: Natauhan ang talent manager sa panggagamit sa kanya ng isang male starlet na sanay na sa pamamakla at panloloko.

May girlfriend ang nasabing male starlet na recently ay hiniwalayan din.

Kasa-kasama si male starlet sa mga lakad ng talent manager kahit out-of-town at sa labas ng bansa.

Na-enjoy niya siguro ang pag-rubbing elbows with the bigwigs of the network.

Madalas siya sa bahay ng talent manager. Doon sila safe at hindi mabubuko ng mundo.

Pero sukdulan ang pagkasinungaling ng male starlet. Kung gaano siya kabano at kahamon sa pag-arte, ganu’n din nabubuko ang kanyang mga kasinungalingan.

Kamakailan, nakikita siya sa social media videos ng ta­lent manager sa biyahe sa malalayong lugar. Aakalain nating masaya sila, pero ‘yun na pala ang paghihiwalay nila.

Napansin ko ‘yun nang hindi na sila nagpaka-discreet na siya nilang panuntunan noon kaya sila nagtatagal.

‘Yun pala, susun-suson nang kasinungalingan ang pinakawalan ni male starlet sa talent manager.

Kaya openly sa social media, nag-post ang talent ma­nager ng, “Totoo ‘yan. ‘Yung lies and betrayal kasi ang ibig sabihin nu’n ay wala nang respeto sa iyo. ‘Yung pag-ibig, nandu’n. Pero ‘yung hindi ka na nirerespeto, naka­kagalit.”

“Hayaan na. Ok ka naman eh. Mabuti nang mag-isa ka na walang problema kesa meron nga pero problematic naman. Sakit sa heart,” sabi ng talent manager.

Dagdag pa niya sa isang reply sa kaibigan, “The man turned out to be a selfish chauvinist experimental prick. I knew before Batanes and Europe.

“I proceeded coz I wanted the process of disengagement in style para class! Hahaha! Now I’m single and ready to mingle.”

Ang sabi lang namin sa talent manager — good riddance sa mga tao at bagay na nagpapabigat at nakakapanakit sa ating buhay because life is short, and we all deserve the best life!

Ang tanong, saan kaya pupulutin itong gamiterong male starlet?

May existing show pa siya sa unit na pinagsisilbihan ng talent manager, pero since salat siya sa talent, hanggang kailan ito?

2 Responses