SINO ang my gusto ng bacon?
Well, meron niyan si news­caster/host/­actor.

Sa isang TV shoot na gagamitin sa kanilang TV show, present ang lahat ng host.
Kani-kanya sila ng room asignment.

Si male TV host ay nuknukan pala ng tamad.
Mula sa kotse, inutusan niya ang isang lala­king P.A. (production assistant) na tulungan siya sa pagbubuhat ng mga gamit.

Sa kotse pa lang, may naamoy nang kakaiba si P.A.
Sa loob-loob ni P.A., “Paano kaya natatagalan ni host ang ­baho ng carumba ­niya?”
Yes, bantut-bantutan ang peg ng kotse ni male TV host.

Nang nasa kuwarto na sila, nagbihis syempre si male TV host bago isalang sa shoot.
Nasaksihan ni P.A. ang mga libag ni kuya!

At ang brief na hinubad ni male TV host… nanggigitata! Nangingitim!
Ang garter ng brief, parang bacon! May sira pa!

Ang ikinagulat ni P.A. nang bonggang-bongga, ang ipi­nalit ni male TV host na underwear ay ma­dumi rin!

Masuka-suka si P.A.
Kasi naman, pati medyas ni male TV host… nangingitim at mabaho!

Kasula-sulasok!
Muntik nang panawan ng ulirat si P.A.

2 Responses