Maligayang Pasko talaga!

Bukas Pasko na pero lahat na tayo ay busy sa paghahanda para sa noche buena. Ako dahil nagtrabaho pa ko kahapon (Lunes) buti na lang maaga ako natapos at nakahabol pa ako sa mall na bumili ng something for my family. Last minute na ako kasi wala talaga akong time pumunta pa sa mall dahil sa mga schedule, parties at work. Tapos busy pa ako sa aking business na Hazelberry kung saan nagtitinda ako ng mga cheesecake at cupcake ko na magandang iregalo or ipang-giveaway. Busy na ang aming commissary.

Kaya nag-mall pa ako kasi siyempre lagi na kasi nakakain ng family ko ang mga cake ko kaya dapat something personal ang regalo ko sa kanila.

Bukod pala sa paghahanda ngayong Pasko merong magandang regalo akong natanggap, ito ay trabaho, isang show kung saan mapapanood niyo ulit ako simula ngayong December . Natutuwa ako kasi kakaiba naman ang role ko dito.
Sasabihin ko sa next column ko kung anong show ito or aba­ngan niyo po ang a­king instagram account at magpo-post ako doon tungkol dito sa show na ito.
Sana matuwa po kayo at manood po kayo palagi lalo na’t papasok ako sa show na ito.

Grabe na rin ang traffic ngayong Pasko kaya konting pasensya lang tayo ‘wag tayo magpaka-stress. Umalis tayo ng maaga para hindi tayo mahuli sa mga pupuntahan natin.

Babatiin ko na po kayo ng Maligayang Pasko. Sana maging masaya kayo kasama ang inyong mga pamilya at biyayaan pa po kayo ng Diyos sa darating na taon.