Maliksi, Almazan, Quinto makakasabay sa Ginebra

Maliksi, Almazan, Quinto makakasabay sa Ginebra

Iisa ang tono nina coach Norman Black at import Allen Durham – mas magandang matchup sa Meralco ang Ginebra kumpara sa dinaanan nila sa TNT sa semifinals ng PBA Governors Cup.

May unfinished business din ang Bolts at si Durham sa Gin Kings.

Dalawang beses inari ni Justin Brownlee at Gins ang Meralco sa finals ng season-ending conference noong 2016 at 2017.

Si Raymond Almazan ang pangunahing dahilan nina Black at Durham kaya mas makakasabay ang Bolts sa Gins.

“I actually think they are a better matchup for us compared to TNT who got shooters all over,” lahad ni Durham. “I think we’ll be able to use Almazan a little bit more as they’re a bigger team.”

Naniniwala si Black na sina Almazan at bagong acquisitions na sina vete­ran shooter Allein Maliksi at rookie Bong Quinto ang X-factors para masabayan ang Gins.

“The TNT series was a tough matchup for Almazan because their big was (Troy) Rosario who’s more of a stretch four,” paliwanag ni Black. Almazan had a tough time offensively and defensively ‘coz he had to stay with the import (KJ McDaniels) the whole time and Rosario can stretch out to the three-point line the entire game.”

Iba ang landscape sa Ginebra dahil nasa gilid lang ng basket ang bigs coach Tim Cone na sina Japeth Aguilar at Greg Slaughter.

“I’m hoping against Ginebra, the matchup would be a lot better because of Greg and Japeth where Almazan will be able to stay in the paint a lot more,” panapos na pahayag ni Black. (VE)