Maliksi, Caram pinako ng Bolts

Maliwanag na hinaharap.

Ito ang tanging alas ng 2019 PBA Governor’s Cup runner-up Meralco Bolts nang pumirmang muli sina Anjo Caram at Allein Maliksi ng mga panibagong kontrata para sa koponan sa 45th Philippine Basketball Association 2020 na pasisimulan sa Philippine Cup sa Marso 8.

Napalagda ng 2 taon extension si Caram habang si Maliksi naman ay isang taon.

Isa sa nabunutan ng tinik sa team si star Chris Newsome, nagpahayag na malaking tulong ang dalawang teammate para sa koponan.

“Anjo and Allein definitely played key roles for us in the Gover­nors Cup last year, and should do the same in the Philippine Cup, where we hopefully make the playoffs this time,” pahayag ni Newsome sa panayam ng Spin.ph.

Nauna na ring pumirma ng extension sa MVP-backed team Meralco sina Raymund Almazan at sophomore Bong Quinto. (Aivan Episcope)