Talo sa 44th Philippine Basketball Association (PBA) Governors Cup 2019-2020 best of seven Finals Game nitong Martes si Allein Maliksi at ang Meralco laban sa Barangay Ginebra Gin San Miguel sa Smart Araneta Coliseum.

Pero may malaki pa ring blessing na natanggap mula sa itaas and Bolts guard/forward dahil opisyal na siyang naging isang tatay.

Makikita sa kanyang Instagram post Huwebes ang litrato sa ospital kasama ang kanyang misis na si Kaye at ang anak nilang si baby Kayden.

“Thank you God for this Gift of Love Iloveyou Kaye at Kayden,” tweet ni Maliksi (@alleinnaliksi).

Congrats naman ang pinaabot agad nina Marc Pingris, James Yap, Jayson Castro at Gin Kings assistant coach Richard del Rosario. (Aivan Denzel Episcope)