Game 1 Finals sa Enero 7:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm – Ginebra vs Meralco

May konek sina Allein Maliksi at Tim Cone.

Nasa San Mig Coffee si Maliksi noong 2014 nang mag-grand slam ang team sa ilalim ni Cone.

Nasa Ginebra na si Cone, kalalapag lang ni Maliksi sa Meralco­ mula Blackwater noong October.

Makalipas ang limang taon, magkatapat na sa Finals ng PBA Governors Cup sina Cone at Maliksi.

Ginebra kontra Meralco sa season-ending championship showdown.

Bagong salta si Maliksi sa Bolts, pero parang beteranong naging mentor sa mga bagong kakampi.

Ang 32-anyos na gunner mula UST ang may championship experience sa Bolts. (Vladi Eduarte)