Sasamantalahin umano ng Department of Foreign Affairs (DFA) para itama ang maling impresyon sa situwasyon ng human rights sa bansa sa pagdalo ni US Secretary of State Rex Tillerson sa ASEAN Regional Forum (ARF).
Naniniwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magiging magandang pagkakataon ang pagdalo ni Tillerson sa ASEAN Regional Forum (ARF) para maitama ang maling impresyon ng Estados Unidos sa human rights situation sa Pilipinas.
Sinabi ni Foreign Affair Secretary Allan Peter Cayetano na may tentative schedule na pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa umaga ng Lunes si Tillerson.
Hindi naman makumpirma ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano kung matutuloy ang meeting nina Pangulong Duterte at Tillerson sa sidelines ng ASEAN Regional Forum pero sakali umanong matuloy ay tiyak itong magiging tapatan at prangkahan.
Nauna nang madalas batikusin ng Pangulong Duterte ang US dahil sa mga komento nito kaugnay sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao kasunod ng kanyang anti-drug war.
Si Tillerson ay dumating sa bansa, kagabi para dumalo sa ARF sa Pasay City.
baka naman article ng tabloid sa singapore ang nabasa nila kagulanggulang na TAGAHIMOD NG TUMBONG NI DUTAE….HEHEHE
Tama. Pagbutihin kung papaano ma justify ang 900 napapatay kada buwan.