Napakasarap pakinggan ng binitiwang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang malinis na gobyerno ang kanyang ibibigay sa taumbayan.
Kaya naman nakatakda nitong ideklarang bakante ang lahat ng mga positions na nilagyan ng mga presidential appointees dahil sanhi ito ng corruption sa pamahalaan.
Kabilang sa mga tatamaan ng kautusang ito ni Pangulong Duterte ay ang mga appointees sa lahat ng mga government agencies na ibabakante na ang kanilang posisyon dahil sa patuloy na korapsyon sa kani-kanilang mga opisina.
Good news naman sa career officials ang planong ito dahil hindi sila maaapektuhan ng nasabing kautusan.
Ibig sabihin ng direktibang ito ng Pangulo ay off-limits na sa ilang tanggapan ng gobyerno ang mga presidential appointees na walang ginawa sa serbisyo kundi ang gumawa ng pera o sangkot sa katiwalian.
Dalawang ahensya ng gobyerno na kinabibilangan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang tinukoy ng Pangulo sa mga ahensiya ng gobyerno na patuloy na namamayagpag ang korapsyon.
Kaya ngayon pa lamang ay sumasaludo na sa inisyatibong ito ni Pangulong Duterte.
Para sa amin, malaki ang maitutulong ng hakbanging ito upang mapatino ang serbisyo sa gobyerno at higit sa lahat ay malulusaw na ang korapsyon.
Tama lamang naman na kung kinakailangang sibakin sa serbisyo dahil wala nang pakinabang dapat lamang sisantehin lalo na’t ang kapangyarihan lamang ng mga dating kinapitang presidente ang kuwalipikasyon.
galing! Mabuhay ka Pangulong Duterte! sa totoo lng marami p ring korap sa mga ahensya na yan hangng ngaun.