Malls at hotels pinahihigpitan ang seguridad

Kinalampag ni Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez ang mga may-ari ng mga business establishments lalo na ang mga shopping malls, hotels at supermarkets na dagdagan ang kanilang security measures para protektahan ang publiko laban sa kahalintulad na pag-atake sa Resorts World.

“Imposing stricter security measures and protecting the public are not the sole responsibilities of government. Private establishments catering to the public must guarantee that their clients are safe in their establishments,” ­pahayag ni Suarez.

Pinakakalma naman ni Quezon City Rep. at chairman of the House Committee on Metro­ Manila Development Winnie Castelo ang publiko. Aniya, alerto pero hindi dapat magpanik ang bawat isa sa gitna ng ganitong mga pag-atake.

Wala umanong dapat na ipangamba lalo at mismong ang Philippine National Police ang nagkumpirma na ang pag-atake sa RWM ay hindi bahagi ng ISIS-terror plan.

“Initial police investigations found the incident not to be terror-­related but a criminal act from an emotionally­ disturbed individual,” ­pahayag ni Castelo.

Kaisa rin si Castelo sa panawagan ng publiko na dapat ipaliwanag ng PNP at ng pamunuan ng RWM kung paano nakapasok sa kanilang bisinidad ang isang lalaking armado ng mataas na kalibre ng baril.

“The police and RWM security should be able to satisfy public clamor for explanation on how the lone gunman was able to get through the hotel carrying a rifle.

The PNP should make sure that security agencies particularly those hired to secure major public sites such as leisure complexes and malls to have qualified and trained personnel to prevent similar tragedies from happening again,” dagdag pa nito.