Tiniyak kahapon ni Malolos City Mayor Christian Natividad na bibigyan ng bagong trabaho ang malaking porsiyento ng 2,600 MaloleƱo na boluntaryong sumuko makaraang tanggalin sa pinapasukang kumpanya dahil sa iligal na droga.

Ito ay matapos simulan ni Natividad ang Tokhang Inter-Barangay. Unity Games sa Malolos City sports complex na nakalaan para sa mga sumurender na drug pushers at drug addict mula sa 51 barangay.

Ayon kay Natividad, nauunawaan niya ang kanyang mga constituents na nasangkot sa droga at nais na magbagong-buhay, kaya sa sandaling makatapos na sila sa rehabilitasyon mismong ang city mayor ang maghahanap ng mapapasukang trabaho dahil karamihan sa mga ito ay may pamilyang binubuhay.