Malolos at Masantol no classes pa

Nagdeklara ng class suspension ngayong araw na ito ang Malolos City sa Bulacan sa lahat ng antas sa pampubliko at pri­badong eskuwelahan habang mula sa pre-school hanggang elementary naman sa Masantol, Pampanga.

Kasunod nito, nagdeklara rin ng class suspension ngayong Martes ang ibang pang lugar kagaya ng mga sumusunod:

Abra (all levels); Marilao, Guiguinto at Paombong sa Bulacan (all levels), Guagua at San Fernando sa Pampanga (all levels); Calasiao at Dagupan City sa Pangasinan (all levels); Rodriguez (pre-school hanggang high school at San Mateo (pre-school hanggang elementarya sa pampublikong eskuwelahan lamang) sa lalawigan ng Rizal.

Samantala, nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon ng occasional rains sa Western Visayas at iba pang mga lugar sa Central Luzon at mga probinsya ng Laguna, Quezon, Rizal at Palawan sanhi pa rin ng habagat.