Pumalaso si Jamie Malonzo ng 23 markers, 7 boards, 3 steals at 2 feeds para bidahan ang La Salle Green Archers sa muling pagtudla sa Sto. Tomas Growling Tigers 80-79, sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2nd round elims Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Sampa sa 6-6 win-loss card para sa fifth slot ang DLSU samantalang pinababa sa 7-6 ang USTe, nasamahan sa tersero ng Far Eastern Tamaraws.

“Well, it’s not a coach Aldin Ayo team if they’re not gonna fight all the way in the end. Yun yung respect that I have for him as coach and we understand that as a team also that teams are fighting for positions right now. Until the buzzer sounds, ‘di titigil yung laro,” saad ni Taft-based cagers coach Gian Nazario. “We’re glad that were fought through.

Nagpakawala ng back-to-back 3-point shot si Rhenz Abando sa natitirang 10.9 segundo para sa77-80 ngunit sa pangatlong subok 1.5 segundo, tumapak si Abando sa linya kaya dalawang puntos lang ang naidagdag ,79-80 na final tally na rin.

Nag-ambag rin para sa Archers sina Aljun Melecio ma may 18 points, Justine Baltazar na naka-14 at 11 rebounds, at Brandon Bates na may 10 markers at 15 boards.

‘Di naman sapat ang 19 pts. ni Abando at ang tig-17 pts. at rebs.s ni Soulemane Chabi Yo para sa mga basketbolista ng España.

Tumoro naman si L-Jay Gonzales ng 11 pts., 8 rebs. at 3 assts. upang muling masuwag ng Far Eastern Tamaraws (7-6) at patalsikin sa Final 4 ang Adamson Soaring Falcons (4-8), habang tumaga si Kobe Lorenzo Paras ng 19 pts., 6 assts. at 4 rebs. nang tagpasin ding muli ng UP Fighting Marrons (8-4) ang NU Bulldogs (2-10), 80-77. (Janiel Abby Toralba)