Malusog na Pasko

Ngayong malamig ang panahon, mas susceptible tayo sa mga viral di­sease gaya ng ubo, sipon at trangkaso.

Paano kung magkasakit ka sa dami ng activities mo ngayong Kapaskuhan? Baka hindi maging merry ang Christmas mo.

Panatilihing malinis ang mga kamay – ‘yan ang unang hakbang para hindi magkasakit at hindi kumalat ang mikrobyo.

Payo ng mga doktor, lumayo sa mga taong inuubo. Baka kasi malanghap mo ang mga virus na nagmumula sa kanilang lalamunan.

Hangga’t maaari, umiwas daw sa mga lugar na maraming tao gaya ng mga mall at pasyalan.

Magsuot ng jac­ket kapag malamig. Magdala ng payong para may proteksyon ka sa init ng araw at buhos ng ulan. Magpabakuna ng flu vaccine.

Kapag may trangkaso ka na, huwag manghawa ng iba. Magpahinga sa bahay at uminom ng maraming tubig para mabilis na gumaling.

Ugaliin din daw ang pag-eehersisyo. Importanteng pawisan ang katawan ngayong taglamig.

Dahil magpa-Pasko na, mahaba na naman ang listahan ng mga gala kasama ang mga kaibigan, salo-salo ng mga kaopisina at get together ng pamilya.

Kung Department of Health ang tatanungin, dapat year-round tayong healthy lalo na ngayong ho­liday season kung kailan mas marami tayong aktibidad.
Importanteng planuhing maigi ang Christmas activities para hindi ma-stress sa bandang huli.

Bukod sa paghahanda sa mga travel at bonding moments kasama ang loved ones, mahalaga ring ma­tiyak na laging nasa kondisyon ang iyong katawan.

Ang sa akin lang, bago pa maging abala sa Christmas activities, tiyakin munang fit and healthy ka para iwas-sakit ngayong holiday season.