Malvar tuloy ang laban

IPINAHAYAG ni Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., founding Chairman ng Kaanak ng mga Bayani ng Himagsikang Pilipino, 1896 (KAANAK 1896) at apo ng magiting na bayaning si Hen. Miguel Malvar, sa bisperas ng pagdiriwang ng Independence Day, na nararapat nating gunitain ang mga Visayan heroes and patriots. Ito’y bilang pagsariwa sa ating alaala ng Liberation of the Visayas mula sa Colonial Spanish rule noong ika-9 ng Nobyembre, 1898. Ang kasaysayang ito ay mapapanood sa movie-documentary Fflm na ‘Malvar, Tuloy Ang Laban’ ng JMV Film Production, kung saan si Villegas ang producer. Gagampanan ni Sen. Manny Pacquiao ang papel ni Malvar.

Ayon kay Villegas, “Ang 1896 Philippine Revolution ay napagwagian sa Negros Occidental sa pagkakatulad sa EDSA Revolution noong 1986. Noong ika-5 ng Nobyembre, 1898, sa pamumuno ni Hen. Miguel Malvar, pagkatapos ng bigong Pact of Biak na Bato na nagresulta ng patuloy na digmaan laban sa Spanish colonial rule. Si Malvar ay naatasan ni Hen. Emilio Aguinaldo na ipagpatuloy ang pagiging commander of the Visayan vommand. Tinipon niya ang mga lider ng Visayan Revolt kasama ang libu-libong hacienderos at peasants na nag-alsa sa pamamagitan ng massive protest na nagpasuko sa mga Spanish Commanders sa pag-aakalang wala silang laban sa maraming rebolusyonaryo na ang armas at kanyon ay puro peke!”

Sey pa ni Villegas, bilang Chairman-President ng Labor Party Philippines (LPP) at founder ng Citizens Crime Watch (CCW), maaaring nagbago ang kasaysayan kung hindi dahil sa Sinco de Noviembre Revolt na naging matagumpay tulad ng EDSA Revolution.

“12 days later, sa Iloilo Revolt sa pamumuno ni Gen. Martin Delgado, sumunod ang Cebu sa pamumuno ni Hen. Mateo Luga, at iba pang Revolts sa Visayas at Mindanao. Bilang paggunita sa historic events, sa marker that was unveiled sa Bacolod sa mismong lugar kung saan naganap ang pagsuko noong ika-5 ng Nobyembre, 1898.” dagdag ni Villegas.

“Ang pagpirma sa kasunduan ng pagsuko bilang katapusan ng Spanish rule sa Negros ay naganap sa Luzurriaga Residence.”

Dagdag ni Villegas, “Kinikilala rin ni Hen. Malvar bilang bahagi ng tagumpay laban sa Spanish Forces sa Negros ang magigiting na Heneral na sina: Aniceto Lacson, Juan Araneta, Jose Montilla, Leandro Locsin, Julio Diaz at Simeon Lizares.”

Ang Chairman of National Commission na si Vicente Del Carmen ang sumulat sa Caltex Phlippines Inc, noong 100 year birth anniversary (ng ika-27 ng Setyembre, 1965) ni Hen. Malvar . Ipinaalam na si Malvar ay inatasan ni Hen. Aguinaldo noong 1897 bilang Commander in Chief of Luzon area and Visayan territories kasama sina Gen. Aniceto Lacson and Gen. Juan Araneta. Sila ang nagplano ng kilusan para sa Liberation ng kalakhang Visayas.

Ang pagsasapelikula ng ‘Malvar, Tuloy Ang Laban’ ay magpapakita ng mga totoong kaganapan tulad nang mga naikuwento sa itaas.

Bukod kay Pacquiao, tatampukan din ito ng malalaking bituin at mga personalidad ng politika. Mula ito sa direksyon ni Jose ‘Kaka’ Balagtas.