Mam, sir isabay sa dagdag-sahod ng pulis at militar

Happy ang isang kongresistang dating public school teacher sa magandang balitang naghihintay sa mga guro sa buong bansa.

Ito ay ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbibigay ng dagdag-sahod sa mga guro kasunod ng mga pulis at militar.

Kung kakayanin sinabi ni Act Rep. France Castro ay mas mabuti kung sabay-sabay ang gagawing pagbibigay ng dagdag-sahod ng gobyerno sa halip na ipila.

“I’ve been a public school teacher for 25 years and I saw firsthand teachers’ long struggle to demand for a decent living salary.

We teachers and other government employees are just like soldiers and policemen, we also love our country but still we have the same needs for our family just like them,” paliwanag ni Castro.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na masyado nang napag-iwanan ang mga guro dahil kung pagbabasehan ang pinakahu­ling salary hike  na ipinatupad ng gobyernong Aquino ay P23.50 kada araw o katumbas ng P517 kada araw lamang para sa Sa­lary Grade 1 habang P25.05 kada araw o kabuuang P551.31 na sahod sa isang araw sa Salary Grade 2 o katumbas ng P19,077 sa isang buwan.

Kaya naman isang panukala o ang House Bill 56  ang inihain ng Act Party-list group sa 17th Congress na humihi­ling ng P25,000 minimum na sahod sa mga guro sa pampublikong eskwelahan habang P16,000 naman sa non-teaching personnel.