Mamad, Dylan host ng Bigtime stagfest

Lusob ang mga sabungero mamaya sa Pasay City Cockpit pagsambulat ng tatlong bigtime stagfests na sisimulan sa MAD Sa Pasay 5-Stag Derby.

Punong abala rito sina Mamad Villarubio ng Pampanga at Dyland Castillo ng Batangas, na mga nagkampeon kasama si Charlie ‘Atong’ Ang sa 2013 ‘Bakbakan.’

Suportado ng Sagupaan Superfeeds at ng Complexor 3000, larga naman ang ikalawang bahagi ng sabong festival sa PCC sa Nov. 7 sa pamamagitan ng Encuentro Big Event 6-Stag Derby na may 144 na mga sultada.

Tumataginting na P2M cash sa individual at team champions ang nakataya rito, ayon nitong Linggo kay Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo.

Sa Nov. 8 ang pagtutuos ng ‘heavyweights’ sa pangunguna ni 8-time World Slasher Cup champion Patrick Antonio sa larga ng may 100 siyapolan na Miggy Big Event 6-Stag Derby ni Michael Tiqui ng Bulacan.

Makakausap para sa iba pang detalye sina ­Erica at Ace sa 0945-4917-474, 0939-4724206, 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)