Mambabatas ginawang terorista sa PR

Hulaan Blues

Imbes na mapaganda ang imahen ng isang mambabatas, posibleng napasama ito dahil sa sablay na press statement. Sa natisod na info ng Tonite, mali-mali daw ang inilabas na press statement ng mambabatas, tila hindi napasadahan ng taong gumawa nito.

Imbes na sabihin kasi ng mambabatas na “nagbabala ng masamang epekto…”, aba’y nadagdagan ng letrang ‘k’ ang kanyang pa­ngungusap.

Dahil dito, lumabas na ang mambabatas ay “nagbabalak ng masamang epekto…,” aba’y gusto pang gawing terorista ang hitad.

Kung nabasa agad ito ng mambabatas, tiyak na katakot-takot na sermon at kurot ang gagawin nito sa staff na kalimitang ginagawa nito sa mga pinag-iinitang empleyado.

Clue: Ang mambabatas na ginawang terorista sa PR ay kilalang mayaman subalit masungit. May letrang C sa kanyang pangalan as in Circumferential Road – 5.