Mambabato sa mga bagong PNR train kulong

Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP) at mga barangay official na arestuhin ang mga taong naninira sa mga bagong tren ng Philippine National Railways (PNR).

Kasabay nito, inutusan din ni Año ang mga pulis at lokal na opisyal na masu­sing i-monitor ang mga riles ng PNR kasu­nod na rin ng deployment ng mga bagong tren nito.

“Inaatasan ko ang ating mga pulis at ang mga barangay official na nakatalaga malapit sa dinadaanan ng tren na maging mapagbantay at siguruhing hindi mapipinsala ang mga tren na ito para matagal pang magamit at mapakinabangan ng publiko,” ani Año.

Nagpahayag din siya ng kalungkutan na may mga taong sadyang mapaminsala at sinasabotahe ang mga proyekto ng pamahalaan tulad ng mga PNR train sa halip na i­ngatan at pangalagaan ang mga ito.

“Sa oras na mahuli sila ng ating kapulisan at mga taga-barangay, kalaboso aabutin nila,” banta ng kalihim. (Dolly Cabreza)