Mambacita pinarangalan ng WNBA

Pangarap ni Gianna Bryant na mag-basketball, sa WNBA, tulad ng kanyang daddy na si Kobe.

Hindi na mangyayari. Hindi na makakapaglaro sa biggest stage ang teenager, hindi na rin makakapag-celebrate ang ama.

Sa edad 13, namatay si Gianna kasama ang ama at pitong iba pa sa helicopter crash sa California noong Jan. 26.

Nitong Biyernes, binigyang parangal ng WNBA si Gianna nang gawin itong honorary draftee, kasama ang teammates na sina Alyssa Altobello at Payton Chester, sa 2020 Draft.

“It would have been a dream for her,” pahayag sa ESPN ni Vanessa Bryant. “She wanted to be one of the greatest athletes of all time, just like her daddy.”

Desidido si Gianna na maging mahusay na basketbolista. Sinimulan siyang hubugin ni Kobe, ang isa sa greatest players of all time. Ang Black Mamba, ipinapasa ang galaw sa kanyang Mambacita.

“She worked tirelessly every single day,” dagdag ni Vanessa. “She wanted to be one of the greatest athletes of all time, just like her daddy. So thank you. Thank you for honoring my little girl.”

Sa WNBA draft, iniladlad ni commissioner Cathy Engelbert ang No. 2 jersey ni Gianna.

“I’m so proud of you, Gigi. God I miss you baby. You deserved to live a long, healthy and happy life. I wish I could hold you and tell you how proud I am of you. You’re the best, baby girl. Mommy loves and misses you more than I could ever express. @WNBA #2 Gianna ‘Gigi’ Bryant youngest draft pick. My mambacita aka Wings,” (VE)