Mga laro bukas:
(FilOil Flying V Centre)
4:15 pm – Petron vs Sta. Lucia Realty
7:00 pm – F2 Logistics vs Cignal

Uminit sa endgame si Dindin Manabat upang tulungan ang Foton sa 25-23, 27-25, 21-25, 32-30 panalo kontra Cignal kahapon sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagbalik mula sa anterior cruciate ligament (ACL) injury, kumana si Manabat sa krusyal para ilista ang unang panalo ng Tornadoes sa second round.

Tangan ang 4-4 karta, lumakas ang tsansa ng Tornadoes na makasikwat ng isa sa apat na twice-to-beat incentives sa quarterfinals sa event na suportado ng Isuzu at UCPB Gen habang ang ESPN5 ang official broadcast partner.

Laglag sa 3-5 card ang Cignal, kailangan nilang ipanalo ang dalawang natitirang laro sa second round kontra F2 Logistics at Generika-Ayala para makahirit ng laro sa susunod na phase.

Impresibo ang ipinakitang laro ng bagong import na si Channon Thomson matapos magtala ng 18 points at pitong blocks para sa Tornadoes na sumugal na palitan si American Brooke Kranda sa kalagitnaan ng confe­rence.

Nagpakitang gilas din si Canadian import Elizabeth Wendel na tumikada ng 19 points habang nag-ambag si Manabat ng 18 markers.

“They were very eager to win,” saad ni Foton coach Rommel Abella. “This win is very important to us because we beat the no. 5 team. It’s good that we defeated them in four sets because it gave us three points. It’s a huge development as far as our quarterfinal positioning is concerned.”

Ayon pa kay Abella, na impres siya sa ipinakitang laro ni Thompson.

“Hats off to Channon,” patungkol ni Abella kay Trinidad and Tobago star Thompson. “Her experienced abroad carried us through.”