Dear Sir:

Nagpahayag si Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na kukunsultahi­n ng palasyo ang Philippine National Police (PNP) ­para sa listahan ng 50 narco-­celebrities. Sabi ni Chairman Martin Dino­ ng ­Volunteers Against Crime and Corruption at kaalyad­o rin ni Pangulong­ Duterte ang nagsabing karamihan­ sa mga artista ay party drugs user at ang 10 naman ay hinihinalang tulak.

Hindi lang ordinaryon­g mamamayan at pulitiko ­pati pala ang mga iniidolong personalidad ay sangkot na rin sa droga.­ Binalot na ng ­illegal drugs ang Pilipinas.­ Kung mayroong narco-polticians ngayon naman ay mayroon na ring narco-­celebrities.

Kailangang masawata ang mga tulak at mga gumagamit nito para magkaroon ng patas na laban at hustisya sa batas ang mga taong may kinala­man dito. Hindi porke iniidolo­ at kilalang personalidad ay exempted na sa batas.­

Managot ang dapat mana­got mayaman man o ­mahirap, sikat man o hindi kilala, mababang ranggo o mataas man, unipormado, sibilyan o nasa posisyon lahat ‘yan ay kailangang managot sa batas.

IVY CONSTAN
Pampanga

***

Dear Sir:

Sa kabila ng mga batikos pang-local o international­ media man ay libu-libong tagasuporta­ ni ­Pangulong Rodrigo­ Duterte ang nagtipon sa programang tinawag na “People’s Call for Patriotism”­ na ginanap sa Quezon Memorial Circle.­ Sa pagtitipon halos laha­t ng talumpati ay papuri tungkol sa isinasagawang­ war on drugs ng pamahalaang Duterte. Ipinagtanggol din ng mga ito ang Pangulo sa mga kritisismong sa kanya.

Totoo nga naman na sa lahat ng naging Presidente siya ang lider na tumutok sa iligal na droga sa halip na sa pulitika, patunay na ma­laki ang hanga­rin niyang mabago ang ating bansa sa pamamagitan ng pagputol­ sa ugat ng droga. Wala ­siyang paki­alam sa mga masasagasaang pulitiko man, negosyante, ­bigating drug lords at ­maging mga kilalang personalidad.

Buo ang suporta ng mga taong naniniwalang si Pangulong­ Duterte ay maninindigan sa kanyang ipinangakong pagbabago at itutuloy niya ang paglaban sa drog­a na nagdudulot ng karahasan, krimen at pagkasira ng b­uhay ng mamamayang Pilipino.

NIKKI SERRANO
Baguio City