
GINAGANAP ang ASEAN International Film Festival & Awards (AIFFA 2017) sa Kuching, Malaysia.
May mga importanteng nominasyon ang ibinigay sa ilan nating mga artista at pelikula.
Best Film: Louie Ignacio’s Laut at Lawrence Fajardo’s Imbisibol.
Siempre pa nominado sina direk Louie at direk Lawrence bilang Best Director.
Major acting nominantions indeed. Best Actress: Ai Ai de las Alas at Best Actor: Allen Dizon para sa Area.
Reaksyon ng Comedy Queen sa kanyang latest international acting nomination, “Napakabait ng Diyos. Walang sawa ang blessings niya. No words can express how I feel.”
Dagdag ni Ms. Ai, “Sana manalo. Pero kung matalo man, ok pa rin. Masaya na ako sa katotohanang ako lang ang Filipina sa best actress category.
“Honor at achievement ko siya. Thank God talaga.”
Ang mga kalaban ni Ai sa best actress race ay sina Pham Thi Hong Anh (The Way Station/ Vietnam), Subenja Pongkorn (Bangkok Nites/ Laos), Ponco Sutiyem (Ziarah…/ Indonesia) at Cut Mini Theo (Emma/ Indonesia).
Tatlo ang Best Supporting Actress nods, Sue Prado (Area), Cherry Pie Pie Picache (Pauwi Na) at Ana Capri (Laut).
Tatlong beteranong aktor ay may Best Supporting Actor nominations, Bernardo Bernardo (Imbisibol), Ricky Davao (Dayang Asu) at Bembol Roco (Pauwi Na).
May nominations din para sa Best Screenplay: Carlo Enciso Catu, (Laut), Herlyn Gail Alegre at John Bedia (Imbisibol), Best Cinematography: Boy Yniguez (Imbisibol), Mycko David at Cesca Lee (Purgatoryo), Best Editing: Carlo Obispo (Area) at Lawrence Fajardo (Imbisibol).
Sa mga nominasyong ito, masasabi nating ASEAN acting at film powerhouse ang Pilipinas nating mahal.

Dagdag-prestige sa bansa natin ang talk ni Jaclyn Jose sa festival.
Siya ang kauna-unahang ASEAN actress na sa Cannes Film Festival ay nagwagi bilang pinakamahusay na aktres para sa Ma Rosa.
Kaya marami ang nanalig na siya ang Pambansang Aktres ng Pilipinas.
Ang hindi kainamang tiktak sa AIFFA, may ilang larawan sa isang social media site na ipinakitang tila walang nanood sa Ang Babaing Humayo premiere.
Totoo kaya ang mga larawang ito? Kung true, suplada ang mga nasa Kuching, huh!
Mukhang they have better things to do. Alam nilang they cannot endure at lalong wala silang pasensya sa longish running time ng pelikula ni direk Lav Diaz.
Sa mga nominado at sa mga magwawagi, manalo o matalo, thank you!
Yabang Pinoy in a good way of course, ang hatid ninyong lahat.