Mananakay sasalang muna sa health protocol bago lumarga

Bago tuluyang makasakay ay dadaan muna sa mahigpit na health protocol ang mga mananakay ng tren.

Sa report, nabatid na bukod sa sasailalim sa safety protocols ang mga commuter ng tren ay guguwardiyahan din at mahigpit na ipatutupad ang social distancing.

Simula kahapon, June 1 kung saan umpisa na ang umiiral na general community quarantine sa Metro Manila ay dumaan muna ang mga pasahero sa mas pinahigpit na metal detector.

Patuloy na sasalang sa body temperature at paghuhugasin muna ng alcohol o disinfectants ang mga pasahero.

Kailangan nilang sundin ang mga markings sa lapag na magsisilbing pagitan para masiguro ang physical distancing bago tuluyang papasukin at pasakayin ng mga station guards.

Sa loob ng mga tren ay markado rin kung saan puwedeng maupo at tumayo ang commuters.

Para matiyak naman ang seguridad pangkalusugan ay nag-deploy ng 19 tren ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3).