Manansala, Benilde tinaob ang Arellano

Mga laro sa Nov. 5 (FilOil Flying V Centre, San Juan City)

10 am – SBU vs CSB-LSGH (Jrs)

1 pm – LPU vs SSC-R (Jrs)

4 pm – CSJL vs SSC-R (Srs)

Nanalasa si Jan Manansala ng 13 points, 8 rebounds at 2 blocks upang hambalusin ng College of Saint Benilde-La Salle Greenhills ang Arellano University, 66-52, at sakupin ang natitirang Final 4 slot sa wakas ng 95th National Collegiate Athletic Association juniors’ basketball tournament 2019 second round eliminations Martes sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Manipis lang ang kalamangan ng Greenies sa unang 10 minuto ng salpukan bago nadiyeta ang Braves sa pitong puntos lang sa second quarter tungo sa 57-30 lead sa rolyo ng third period tungo sa tagumpay.

Toka sa semifinals sa Benilde ang eliminations topnotcher San Beda University sa darating na Nov. 5 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Ang Greenies ang nagkaloob ng tanging dungis sa Red Cubs.

Karibal naman ng Lyceum of the Philippines University, nasa unang pasok sa F4, ang San Sebastian College sa isa pang pairing.

Kapwa may twice-to-beat advantage ang Red Cubs at Junior Pirates sa semis para makasampa sa best-of-three Finals.

Bitin ang 13 markers, 5 boards at 3 assists para sa AU ni Miguel Sahali.

May 22 pts. at 24 rebs. naman si Leonel Policarpio nang diligan ng deposed champion Mapua Red Robins Emilio Aguinaldo College, 73-64 para tapusin ang kampanya sa 6-12 win-loss record.

Ang iskor:

CSB-LSGH 66 – Manansala 13, Palencia 8, Quiambao 8, Macalalag 7, Calimag 7, Valenzuela 6, Dimaunahan 5, Arguelles 4, Arciaga 4, Panlilio 2, Rivera 2, Reyes 0, Gagate 0, Estil 0, Torrijos 0.

AU 52 – Sahali 13, Recto 11, Templonuevo 8, Nepomuceno 7, Rellama 5, Sablaon 3, Lime 2, Tan 2, Lopez 1, Cuenco 0, Javier 0, Salinel 0, Villarante 0, Tolentino 0.

Quarters: 16-13, 37-20, 57-30, 66-52.

23 Valenzuela caption:

Binasag ni Lennox Valenzuela ng CSB-LSGH ang depensa nina Danren Nepomuceno (#8) at Rufino Sablaon (#17) sa laban nila sa 95th NCAA juniors basketball tournament second round eliminations Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City. (Ben Maniclang)