Mandaluyong nagkasa ng rapid test: 50 tricycle driver nagpositibo sa COVID

Nasa 50 mga tricycle driver sa Mandaluyong City ang inilagay sa isolation makaraang magpositibo sa sa coronavirus rapid testing.

Nagsagawa umano ng rapid testing ang local government ng Mandaluyong sa lahat ng 3,000 tricycle driver ng lungsod bilang bahagi ng requirements para sa pagbabalik ng limitadong operasyon ng mga tricycle sa lungsod.

Ayon kay Jimmy Isidro, City Public Information officer at chief-of-staff ni Mayor Carmelita Abalos, nasa 3,000 mga tricylcle driver ang sumailalim sa COVID-19 rapid testing.

“Around 50 of them tested positive in the rapid testing. They have already underwent swab testing,” sabi pa ni umano ni Isidro.

Agad umanong isinailalim sa isolation ang mga tsuper habang hinihintay ang resulta ng confirmatory polymerase chain reaction (PCR) test.