Mandanas ruling tinatrabahong batas ng PCL

Makakaasa ang mga Local government unit (LGUs) o ­pamahalaang lokal na magkaroon ng higit na matibay na ­pananalapi upang lalong maisulong ang pag-unlad nila.

At ang nakikitang daan tungo rito ay ga­wing batas ang tinatawag na “Mandanas Ruling” ng Korte Suprema.

Nakasaad sa ‘Mandanas Ruling’ na ang ‘internal revenue allotments (IRA)’ o bahaging pondo ng mga LGU ay dapat batay sa kabuuang koleksyong buwis ng pamahalaang pamp­bansa, gaya ng isinasaad sa 1991 Local Government Code (LGC).

Sinabi ni ­‘Philippine Councilors League (PCL) Bicol ­Regional chair’ Jesciel Richard ­Salceda na ­kasalukuyang ­kumakampanya sa ­pagka-PCL ‘national chairman’ na kung siya’y mananalo, isusulong niya na maging batas o maipaloob sa Saligang Batas ang ‘Mandanas Ruling.’

Si Salceda ay nasa pangatlong ­termino ­bilang konsehal ng ­Polangui, Albay at ­kinatawan ng kanila ­lokal na liga sa ­Albay ­Provincial Board. Ayon sa kanya, kung ­maisabatas ang ­‘Mandanas ­Ruling,’ makatitiyak ang mga LGU ng patas at ­nararapat na pondo.

Sa ilalim ng ‘Mandanas Ruling,’ ­lolobo ang pondong ­batayan ng IRA sa P354 bilyon sa 2022; P382 bilyon sa 2023; P420 bilyon sa 2024; at P466 bilyon sa 2025.