Mandatory Overpass Act of 2019 ihinain sa Kamara

Sa layong masiguro ang kaligtasan ng mga batang mag-aaral at mga guro sa aksidente ng sasakyan ay inihain ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ag panukalang nag-aatas na magkaroon ng mga ‘overpass’ sa mga kalsadang malapit sa mga paaralan, lalo na sa kahabaan ng Pan-Philippine Highway.

Ayon kay Salceda, masyadong lantad sa mga aksidente, lalo na ang mga batang mag-aaral na nagmamadaling pumasok sa klase o umuwi pagkatapos ng klase nila. Lalong problema ito kapag kumakapal ang trapiko sa naturang mga lugar.

Pinamagatang “Mandatory Overpass Act of 2019” ang nakahaing HB 9167 ni Salceda. Pa­ngunahing layunin nito ang kaligtasan ng mga ‘pedestrian,’ lalo na ang mga batang mag-aaral na tumatawid sa abalang mga karsada.

Sa ulat ng World Health Organization, pinuna ni Salceda na mahigit 270,000 ‘pedestrians’ ang namamatay sa aksidente sa sasakyan taon-taon, na 22 porsi­yento ng 1.24 milyong namamatay sa kalsada kaugnay sa trapiko.