Isang barangay chairman sa Mandaue City ang nasawi nang barilin habang nakaupo sa kanyang electric wheelchair kahapon.
Nasawi bago dumating sa isang pribadong ospital ang biktimang si Mantuyong Barangay Captain Antonio Maquilan dahil sa tatlong tama ng punglo sa katawan mula sa hindi nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa 50 metro ang layo mula Mantuyong barangay hall.
Bagama’t hindi nakilala ang gunman, narekober naman ang helmet ng suspek mula sa crime scene.
Ayon kay Barangay Councilor Julius Areopagita, bago ang insidente ay minsan nang nabanggit ng biktima na may natatanggap itong death threat sa pamamagitan ng text messages.