Muling nagpakasal ang popular singer-­actress na si Mandy Moore kay Taylor Goldsmith last ­November 18, 2018. Private ceremony ang pag-iisang dibdib ng celebrity couple na ginanap sa Los Angeles.

Ayon sa source, ang intimate moment ng dalawa ay naganap sa tahanan ni Moore.

Two years ding nagdi-date ang dalawa and after that year ay nag-propose si Goldsmith sa girlfriend.

Tulad ni Mandy, isa ring musician si Goldsmith. May sarili siyang banda, ang Dawes kung saan siya ang vocalist at may bago silang album – Passwords.

May first husband si Moore na isa ring musician, si Ryan Adams. Nag-file ng divorce si Adams na amicable split nu’ng 2015.

Na-meet naman ni Moore si Goldsmith thru Instagram, nang i-post ng singer-actress ang bandang Dawes at nilagyan niya ng caption na “Real excited about this one. Have summer. #Dawes#rightontime.”

Nakita raw ni Goldsmith ang post ni Moore at nag-note ito sa kanya. Du’n na raw nag-umpisa ang communication nilang dalawa.

Sabi pa ni Moore sa People, “Thanks Instagram for helping me meet my fiance.”

Inamin pa ni Moore na nagkaroon siya ng trauma, “I was still dealing with the trauma of my divorce when we started dating.” Pero, very supportive daw si Taylor. “He makes me melt. I can imagine no better partner.” At magiging tremendous father daw ang kanyang asawa.