MANG KEPS ang tawag kay Vhong Navarro ng tropa niya sa pelikulang Mang Kepweng Returns, pero hindi raw ibig sabihin nito ay mahilig siya sa KEPS.

Kiefer kasi ang pangalan ng karakter ni Vhong sa movie at nang malaman ng barkada niya na anak siya ni Mang Kepweng, ang kantiyaw sa kanya ng mga ito ay anak pala siya ng KEPS.

Asaran lang nila ‘yon na magbabarkada, ­hindi ibig sabihin ay pilyo o matinik sa girls ang role niya.

Ang patawa ni Vhong nu’ng presscon ng ­movie, mahilig sa chicken si Kiefer kaya kumakain ito ng KEPS-I (o KFC).

Ang sexy Kapuso star na si Kim Domingo ang kapareha ni Vhong sa Mang ­Kepweng ­Returns.

Hindi nagpakita ng KEPS si Kim sa ­movie dahil hindi ito bold ­movie kundi comedy na pambata at pampamilya.

Nabighani ang karak­ter ni Kim sa kabaitan at kagandahang loob ng karakter ni Vhong. Doon ito nainlab sa kanya.

Kumusta ang kissing scene nila ni Kim?

“Okey naman po siya (Kim). Naka-move on naman po siya,” naka­ngiting sagot sa amin ni Vhong.

Eh siya, kumusta?

“Ako po eh, steady lang ako. May mga bata po, eh. Ha! Ha! Ha!” tawa ni Vhong, na parang mas gustong ihirit na pilyong sagot kaya lang ay may mga bata na kasama sa cast na present nu’ng presscon.

Pinasikat ni Chiquito ang karakter ng albularyong si Mang Kepweng noong ‘70s. Ina­amin ni Vhong na idolo niya si Papang Chi­quito dahil tulad niya ay dancer din ito at physical comedy din ang ginagawa nito na kagaya niya.

Ginaya na niya si Tony Ferrer sa Agent X44. Dapat pala ay gagawin niya ang Facifica Falayfay ni Mang Dolphy, kaya lang ay ­hindi natuloy dahil kinamatayan ito ng magdidirek dapat nito na si Manong Gilbert Perez.

Gustung-gusto ni Vhong na nagkakarak­ter siya dahil feeling niya, ‘pag ordinaryong tao lang siya ay nakukulangan siya sa ginagawa niya.

Mas natsa-challenge siya ‘pag may karakter, mas nakakapag-eksperimento at mas napag­lalaruan niya.

Masuwerte si Vhong na nakatrabaho niya noon si Mang Dolphy kaya mas nakilala niya ito nang personal.

Hindi siya nabigyan ng chance na makasama si Papang Chiquito. Dahil Mang Kepweng ­movie ang ni-remake niya, si Chiquito ang iniidolo niya ngayon.

Ngayon ang showing sa mga sinehan ng Mang Kepweng Returns na sakto sa 40th birthday ni Vhong Navarro!