Mangahas nag-TD, Biñan pinabulagta ang Marikina

MPBL: Collado, Gabo patitigasin ang Steel

Pinagpuyos ang Binan Laguna City Heroes ni Allan Mangahas sa pamamagitan ng kanyang triple-double, giniba ang Marikina Shoemakers, 82-72, Group A North Division ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 Martes ng hapon hapon sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Tumapos ang 5-foot-11 guard ng 13 points, 10 rebounds at 14 assists upang pangunahan ang Biñan sa pagpapahaba pa sa bangungot ng Shoemakers sa walo sa pagkabaon lalo sa ilalim ng Group A at sila’y umakyat sa 4-6, sinementuhan ang ika-13 puwesto sa Group B.

Sumali rin sa balik-angas ng Heros sina Jonathan Rivera na may 20 pts. at 11 rebs., at Kyle Neypes na may 13 markers at 12 boards para makabawi mula sa pagsemplang sa Bulacan Kuyas.

Namuno sa Marikina ang naka-15 puntos, 5 reds. at 4 assists na si Yves Sazon. (Aivan Denzel U. E­piscope)