Manggugulo sa eleksyon, ‘di magtatagumpay — AFP

Hindi umano magtatagumpay ang mga grupo na nagbabalak na sumabotahe ngayong araw ng eleksyon, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson, Marine Brig. Gen. Edgardo Arevalo.

Nagbigay ito ng komento upang tiyakin sa publiko na malabong makapaghasik ng gulo ang mga tao o grupo ngayong araw ng halalan dahil sa mahigpit na koordinasyon ng AFP, Philippine National Police (PNP), Commission on Elections (Comelec) at ibang government agencies para matiyak ang maayos at mapayapang eleksyon.

“They will never succeed. The degree of preparation, the degree of planning, as well as execution and coordination bet-ween the AFP, PNP, Comelec, and other agencies as very encouraging,” sabi pa ng AFP spokesperson.

Hinimok din ni Arevalo ang lahat ng mamamayan na lumahok at bumoto dahil sa pamamagitan nito ay madedetermina ang seguridad ng bawat lugar sa halos lahat ng sulok ng bansa.

Binigyan-diin nito ang kautusan ni AFP Chief of Staff, General Benjamin MadrigalJr. sa lahat ng kasundaluhan na manatiling non- partisan at sinumang lalabag dito ay mahaharap sa kaparusahan.

Bukod sa seguridad, naatasan din ang lahat ng air, naval at land transport units ng sandatahanng lakas na tumulong sa pagpapadala ng mga election paraphernalias sa mga voting precints sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Arevalo, ilang araw bago ang eleksyon ay halos kumpleto na ang election material transport mission sa Northern Luzon Command sa Tarlac gayundin sa Puerto Princesa Western Command, gayundin sa Zamboanga-based Western Minda-nao Command at sa Lucena-headquarters, Southern Luzon Command .

Nakumpleto na rin umano ang mga gagamiting mga voting parapherlia sa Central Command sa Cebu, at sa Eastern Mindanao Command sa Davao City.

Iniskortan umano ng mga sundalo ang mga mga tauhan ng Commission on Elections (Comelec) sa pagdadala ng mga gamit para sa halalan ngayong araw. (PNA)