Umapela si Maguindanao Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu sa nagbabakbakang grupo ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na huwag idamay ang mga sibilyan sa kanilang sagupaan.

“I am appealing to our fellow brothers, especially to the BIFF, to lay down their weapons and think about the countless civilians that could be affected as they trade bullets,” pahayag ni Mangudadatu.

Hinimok nito ang magkabilang grupo na pairalin ang kababaang-loob at idaan sa pag-uusap ang kanilang mga sentimyento at hindi pagkakasundo.

“Decades long war hasn’t solved anything,” giit nito.

Aniya, paulit-ulit na lang ang digmaan sa Mindanao kung saan minamana ng anak ang armas ng kanyang tatay at mga kanunununuan.

“It is high time for BIFF to reinteg­rate themselves to society and lead fruitful, productive civilian lives like those of the decommissioned MILF members. They (BIFF) too can have the same privilege,” sabi ng Minda­nao solon.

Ang apela nito ay bunsod ng nag­yaring bakbakan ng MILF at BIFF noong Biyernes sa Sitio Tinolusan sa Barangay Dasawao sa Maguindanao kung saan 11 ang nalagas sa dala­wang grupo. (JC Cahinhinan)