Manila City Council may mga bago ng opisyal

May nabuo ng bagong mga opisyal ang Manila City Council sa naganap na regular na session noong Hulyo 14 kung saan mayorya ng Konsehal ang sumuporta sa grupo na kaalyado ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Ang 10th City Council ay pinamumunuan ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan na siyang presiding officer.

Nahalal bilang President Pro Tempore Antonio G. Capistrano; Majo­rity Floor Leader Casimiro C. Sison; 1st Assistant Majo­rity Floor Leader Ernesto G. Dionisio Sr., 2nd Assistant Majo­rity Floor Leader Edward M. Tan at Majority Whip Anna Katrina P. Yupangco.

Habang sa panig ng minorya nahalal sina Minority Floor Leader Rodolfo N. Lacsamana, 1st Assistant Minority Floor Leader Eduardo V. Quintos XVI, 2nd Assistant Floor Leader Joey S. Hizon III at  Minority Whip Laris T. Borromeo.

Kasunod ng pagkakaroon ng mga panibagong opisyal sa konseho hiniling naman ni Estrada ang pagkakaisa at suporta para sa mga proyektong magbebenipisyo sa mga Manilen­yo.