Sa kagustuhang lalong sumipag sa kanilang trabaho ang mga pulis Maynila, ibinigay ni Manila Mayor Joseph Estrada ang may P42 milyon allowance sa may 4,600 miyembro ng Manila Police District­ (MPD).

Sa isang seremonya sa Manila City Hall, persona­l na iniabot ni Estrada kay MPD Director Senior Supt. Joel Coronel ang tsekeng nagkakaha­laga ng P42,950,000 para sa ikalawang bahagi ng Peace and Order Allowance ngayong taon ng 4,652 miyembro ng MPD mula Mayo hanggang Agosto.

“Buong-puso ko kayong sinusuportahan. Ang hinihiling ng lungsod sa inyo ay tupdin niyo ang inyong tungkulin nang maayos,” dagdag pa ni ­Estrada.

One Response