Sisikapin ng Department of Tourism (DOT) na mapalakas at maisulong ang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat at Ecotourism Area (LPPCHEA), na isang wetland sa highly urbanized na Parañaque City, bilang isang pangunahing patutunguhan ng mga nagmamahal sa kalikasan at mga dayuhang birdwatcher.

“This is a breathing space inside the metro so it’s good because in a year, LPPCHEA has around 5,000 visitors and we want to increase that further,” pahayag ni DOT-National Capital Region (NCR) Woodrow Maquiling.

“Ang aming diskarte ay dapat mapanatili. Sa gitna ng lahat ng mga corporate jungles na ito at lahat ng mga gusaling ito, kailangan nating magkaroon ng katulad nito sa Metro Manila,” dagdag pa ni Maquiling.
Ayon sa opisyal, makikipag-ugnay ang DOT sa mga tour operator upang isama sa destinasyon sa kanilang NCR itinerary.

Aniya mayroon silang cruise tourism sa bansa na nagdadala ng mahigit 2,500 bawat barko kaya nais din nilang dalhin sa natu­rang lugar.

Si Maquiling ay kabilang sa mga panauhin sa pagdiriwang ng World Migratory Bird Day na inayos ng Society for the Conservation of Philippine Wetlands sa LPPCHEA.

Naniniwala ang opisyal na ang LPPCHEA ay may malaking potensyal na makaakit ng mga dayuhan partikular ang dumaraming turistang Tsino sa Pilipinas. (Mina Aquino)